Friday, September 13, 2013

Bakbakan sa Zambo

Magdamag na katahimikan sa Zamboanga, binulabog uli ng palitan ng putok

ZAMBOANGA CITY - Makalipas ang magdamag na katahimikan sa Zamboanga City matapos humupa ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga armadong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) breakaway group, muli na namang nakarinig ang mga residente ng sunud-sunod na palitan ng putok.

Ang muling pagsiklab ng putok sa may Sta. Catalina at sa iba pang lugar na nasa ilalim ng tinaguriang critical areas ay sa kabila na nasa kalagitnaan ng negosasyon ngayon ang otoridad sa mga MNLF forces para sa pagpapalaya ng mga hostages.

Bandang alas-7:30 ng umaga kanina nang marinig ang palitan ng putok na nanggaling sa ilang lugar sa Sta. Catalina.
 
Sa ngayon ay ilan sa naunang sinakop ng mga rebede ang nabawi ng mga otoridad kabilang na rito ang Sta. Barbara Elementary School at ang isang malaking mosque sa lugar kung saan doon unang pomosisyon ang mga sniper ng kalaban.

Kinumpirma rin ng militar na nakuha na rin nila ang barangay hall ng Barangay Kasanyangan na nasakop din ng mga MNLF.

Mahigpit ding binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Philippine Navy ang mga dalampasigan na posibleng magamit ng MNLF sa paglabas at pagpasok ng armadong grupo. 


Sa ngayon patuloy ang ginagawang clearing operation ng mga tropa ng pamahalaan sa mga lugar na wala ng mga rebelde. (MRDS) – bombo radio philippines



Mga residente ng Zamboanga City nagpa-panic buying na bunsod ng bakbakan

NAGPA-PANIC buying na ang mga residente ng Zamboanga City dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar.
Sa gitna na rin ito nang patuloy na girian ng mga sundalo at tropa ni dating Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.
Naaalarma na ang mga residente dahil wala ng mga produkto at hindi pa nagbubukas ang mga tindahan.
Nagkakaubusan na rin anila ng supply ng pagkain tulad ng gulay at isda dahil sa military blockade sa mga daan papalabas at papasok ng Zamboanga.
Tensyonado pa rin sila at halos hindi makatulog dahil sa takot.
Kasabay nito, nanawagan na ang ilang senador sa Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng pamahalaan na ibaba muna ang pagamit ng armas at sa halip ay magkaroon ng dayalogo para sa mapayapang resolusyon sa umiiral na tensyon sa lungsod ng Zamboanga.
Magugunitang maliban sa anim na namatay  at mahigit sa 20 ang nasugatan ay tinatayang nasa 180 sibilyan pa ngayon ang hawak ng mga tauhan ni Nur Misuari.
Binigyang diin ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng paggamit ng armas kungdi sa patuloy na negosasyon bilang bahagi ng usapang pangkapayapaan para sa katahimikan sa Mindanao.
Kasabay nito ay nanawagan naman si Senate President Franklin Drilon sa mga mamamahayag na iwasan ang blow-by-blow coverage sa Zamboanga siege upang hindi lumala 











No comments:

Post a Comment