Tuesday, September 17, 2013

Chief accountant ng TRC, napaiyak nang mapasama sa kasong plunder kaugnay ng 'pork'

·       

·         


Napaiyak ang chief accountant ng Training and Research Center (TRC) na si Marivic Jover nang makasuhan ng plunder o pandarambong kasama ang boss niyang si TRC Director General Dennis Cunanan. 

"Hindi ko hangad na yumaman," sabi ni Jover. "Ang hangad ko lang 'yung pang araw-araw. Hindi ako nasilaw sa pera."

Depensa pa ni Jover, simple lang siya. Katunayan aniya, ang kotse niya ay iniutang pa sa GSIS. 

Ngayon, problema ni Jover ang pambayad sa abogado. 

Paliwanag pa ng accountant, dumaan sa kaniya ang priority development assistance fund (PDAF) ng mga mambabatas pero nakasulat naman kung saan ito pupunta. 

Nagkaisa naman ang mga empleyado ng TRC at sumulat pa kay Pangulong Aquino para suportahan si Cunanan na ngayo'y naka-leave na. 

Sa text message, dumipensa ito at sinabing 2010 pa lang ay nasilip na niya ang ilang iregularidad sa ilang non-governmental organization (NGO). 

Aniya, pina-blacklist pa niya ang 44 na NGO at walo dito ay konektado sa itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Napoles. Report from Niña Corpuz, ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment