Friday, September 13, 2013

PNoy, nakiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawing sundalo sa bakbakan vs ASG

imageNakiramay si Pangulong Noynoy Aquino sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa bakbakan kontra sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul Sulu noong Mayo 25. 

Hapon ng Martes, nagbigay ng kaniyang huling respeto si Pangulong Aquino sa mga napatay na sundalo na kasalukuyang nakalagak ang mga labi sa Philippine Marines Headquarters sa Fort Bonifacio. 

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatanggap ang mga naulilang pamilya ng mga benepisyo kasama ang pensyon, college schoalrship, cash assistance at iba pa. 

Bukod pa ito sa inaprubahan ng Pangulo na P250, 000.00 cash na ipagkakaloob sa bawat pamilya ng mga nasawing sundalo habang P50, 000.00 naman sa pamilya ng mga nasugatan. 



Kasabay ng pakikiisa ng administrasyong Aquino sa pagluluksa ng sambayan, nangako itong papanagutin ang mga pumaslang sa mga sundalo para makamit ang hustisya. 

"The Aquino administration joins the country in mourning the passing of the seven men who gave their lives to build a safer and more peaceful Philippines. As we mourn, we vow to pursue justice on all fronts, as this is integral to achieving our ultimate goal of winning the peace," ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte. 

Kabilang sa mga nasawi sina Second Lieutenant Alfredo Lorin VI, Private First Class Jay Alasian, Private First Class Jayson Durante, Private First Class Andres Bogwana, Private First Class Rene Gare, Private First Class Roxan Pizarro, at Private First Class Dominador Sabejon, Jr.

No comments:

Post a Comment