Sunday, September 29, 2013

Ben Payat: A Touching Story

Isang anak nang pagkadalaga,na hindi nakayang alagaan ng ina at itoy pinagkatiwala sa kanyang lola at mga tiyahin,

Mula pagkamusmos ay dumanas siya ng maltrato mula sa kanila, kahit na sya ay apo, nasa isip nila na kasalann daw niya kaya di nakapagtapos ng pag-aaral ang ina. Lagi siyang napapalo ng lola nito, konting mali ay may parusa sa batang musmos, kahit mga tiyahin, galit sila sa kanya, ang tanging kakampi nya ay ang lolo nito.

Dumating ang pasukan at nagmakaawa siya na pumasok, napilit ng lolo nito ang lola niya na papapasukin siya, ngunit dapat bago pumasok si Ben ay kailangan makaigib at magawa nya ang trabaho sa kusina, dahil sa kagustuhan makapag-aral ginawa ni Ben ang pag igib, paghugas ng pinag kainan, pakainin mga hayop na alaga nila, pasok siya sa paaralan na ang baon ay piso lamang, ang dmit ay nag iisang pares na uniporme at minsan ang tsinelas nito ay magkaiba ang dahon, lahat ay naawa sa kanya kasi alam nila ang buhay niya, naging magkaibigan kami, at dahil mabait siyang bata, lagi namin share sa kanya mga baon na pagkain at makikita talaga ang gutom nito, napakatalino niya, lagi kaming habulan sa bawat exam.

Ganuon ang buhay na umimnog kay Ben.
Walang pakialam sila lola at tita niya, tanging ang lolo ang laging nagmamahal sa kanya, natutuwa sa mataas na marka ng apo,
Dahil sa siwasyon nya sa bahay nila, nabuhos ang isip nya sa pag-aaral, sa school niya kasi nakikita ang pagmamahal ng pamilya na wala sa kanya, ngunit kailan man ay di siya nagtanim ng galit sa lola at mga tiyahin,

Dumaan ang pagtatapos ng elementarya at naging salutatorian siya, lalong nakakaiyak kasi wala man lang dumating sa pamilya nito dahil may inasikaso ang lolo niya, ganun paman ay masayang umakyat ng entablado si Ben payat, may ngiti at lahat kami ay nagpalakpakan, lumapit siya sa akin at bumati, sinabi niya na baka di siya makapag high school dahil ayaw ng lola magastos daw kaya papasok siya sa pagawaan ng hallow blocks, nag iyakan kaming dalawa lalo na at ipapadala ako sa UPang para mag aral, linggo magkasama kami pumunta sa gawain sa church(born again)nang kausapin siya ng head pastor na napili siya sa schoolarship ng kongregasyon, ang tuwa sa kanyang mukha, ayaw pumayag ng lola nito, ngunit napilitan din.

Umalis ako at tanging text kami nagkaugnayan, pasok sa highschool, pag hapon ay nasa hallowblock si Ben, para ibigay sa lola na gahaman ang kita, 9 ng gabi nagtitinda ng balot para may pera siya pag may project.

Wala siyang kapaguran, at lalong naging malapit siya sa Dios.
Pag bakasyon umuuwi ako ay di maubos ubos ang kuwento niya.
Walang pagbabago sa maltrato ng lola niya sa kanya, at ang ina ay tuluyan na siyang kinalimutan.

Nakapagtapos siya ng high school at dahil matataas ang marka, scholar parin siya sa University sa umaga, pag hapon sa hallowblock, at balot sa gabi para pantustos niya sa mga project nya.

Halos di na siya nagpapahinga.
Mabilis na lumipas ang taon at nakapagtapos siya bilang summa cum laude.
At doon ay nakita ng lola niya kung sino na si Ben, naiyak ang lola nito at nagsisi sa mga ginawa niya sa apo.

Year 2011 nang umuwi ako. At siya po ang tinanghal bilang panauhing pandangal ng aming paaralan.

Lahat ay naiyak habang nagsasalita sa taas ng entablado.
Nagpasalamat siya sa lola niya at sa kahirapan na kung saan iyon ang naging lakas niya para iahon ang sarili.

Nagpasalamat siya sa simbahan na kung saan sila ang tumugon sa schoolarship niya.
Sinabi niya na walang imposible basta may tiwala ka sa Dios at sarili.
Lahat ay umiyak, sino nga ba ang magsasabing siya si Ben, ang batang payat, isang uniporme, naglalako ng balot, at gumgawa ng hallowblocks, minamaltrato ng lola, tsinelas ay magkaiba ang dahon dahil sa wala siyang pambili.
Ngayon isa nang professor sa U.P.



Lahat kaming kaklase niya ay yakapan ng magkita kita, may mga nahihiya sa kanya pero sabi nya ako parin ito, si Ben payat..
Isang batang akala ng marami ay matutulad sa ina,
Ngunit lahat ay nagkamali.



Mga anak ofw sana mabasa nyo ito.
At makita ninyo ang rason kung bakit mga magulang ay nandito ngayon sa ibang bansa.

Salamat po.

No comments:

Post a Comment