Isang araw bago ganapin
ang Miss World 2013 sa Bali, Indonesia, sumulpot ang ilang fans na nagrereklamo
sa diumano'y "naked pictures" ng kandidata ng Pilipinas na si Megan
Young. Nailathala ang naturang artikulo sa isang online site sa U.K.
Bukas, September 28, ang
coronation night ng Miss World 2013. Gaganapin ito sa Bali Nusa Dua Convention
Center, Bali, Indonesia.
Tulad
ng mga nakaraang international beauty pageants, sinasabi na malaki ang tsansa
na makuha ng Philippine representative ang Miss World crown. Ngayon ay turn
naman ni Megan Young.
Pero
isang araw bago ang coronation night, kumalat ang mga litrato ni Megan na
na-publish sa March 2012 issue ng isang men's magazine.
Sinasabing
topless photos ang mga ito, ngunit nang nakita ng writer na ito ang litrato,
malinaw na wala mang saplot na pang-itaas si Megan, nakadapa ito sa buhangin o
kaya'y nakatayo na nakatalikod.
Ibig
sabihin, walang nakikita sa kanyang maselan na bahagi ng katawan. Sexy na
matatawag ang mga litrato, ngunit hindi nude.
Lumabas sa U.K. edition ng International Business Times,
isang New York-based online publication, ang balita tungkol sa controversy ng
"topless photos" ni Megan, dahil sa reklamo diumano ng nagagalit na
fans.
Sinabi
sa artikulo na si Megan ay "one of the top contenders" at "early
favourite" upang makuha ang korona ng Miss World ngayong taon.
Nagtatanong
din daw ang ilan kung magsasagawa ng protesta ang Indonesian group ng mga
religious and feminists sa "naked pictures" ni Megan.
Ito ang bahagi ng report ng International Business Times:
“The
most recent contestant to join the controversies is Miss Philippines, Megan
Young. Having made it to the top ten of two contests—Beach fashion and Top
Model—at the Miss World 2013 pageant, Young is one of the top contenders
predicted to win the coveted Miss World crown during the finale.
“However, topless photos of Megan Young, an early favourite
among pageant’s fans, that appeared in the March 2012 issue of Rogue Magazine have surfaced and drawn ire
from the fans.
“'Rules
are rules when it comes to the Miss World beauty contest it seems that
contestants’ taking their clothes off is a clear breach of the laws,' a user
wrote to IBTimes UK on condition of anonymity.
“'A
beauty queen is somebody that is a good role model inside and out and obviously
is a beautiful person. It's not just about exterior beauty; a beauty queen has
to have outstanding morals, elegance, femininity and class. And that's what
everybody thinks it is. Beauty queens should be seen as role models not sex
object.'
"The
user asks: 'Will an Indonesian group of religious and feminist launch a protest
on Megan Young's naked pictures? How will Miss World Organization and
Indonesian government handle this issue?'
“Notwithstanding any of these controversies, the Miss World
Organisation is readying to host all the 130 contestants on the Miss World 2013
finale. Both Miss Philippines and Miss Uzbekistan remain listed on the
pageant’s official website.”
Ang kandidata ng Uzbekistan na si Rakhima Ganieva ay inakusahan
naman ng fraud.
Sinabi ni Ganieva sa mga interview sa kanya, na nanalo siya sa
national pageant sa kanilang bansa noong July. Ngunit ayon sa mga opisyales ng
Uzbekistan ay walang ginanap na pageant sa kanila.
Hindi pa naglalabas ng statement ang Miss World Organization
tungkol sa "topless photos" controversy na kinasasangkutan ni Megan.
Pero
nakakuha ng kakampi si Megan mula sa mga kababayan niya, na pinutakti ang
comments section ng International Business Times.
Inakusahan nila ito ng "irresposible journalism."
Sinisiraan lamang daw nito ang Filipina actress-TV host, na
strong contender para sa Miss World crown and title.
Iginiit ng mga tagapagtanggol ni Megan na artistic, hindi
topless, at walang bahid ng kalaswaan ang kanyang sexy pictorial.
No comments:
Post a Comment